Document
Metadata
Title
vPamantayan sa Kagandahan ng Kababaihang Mag-aaral ng Senior High School sa Holy Family Academy bilang Pangunahing Salik sa Pagtanggap ng Lipunan
Abstract
"Beauty is in the eye of the beholder" isang katagang pinaniniwalaan ng karamihan ngunit sinasalungat ng iilan. Ang mga pamantayan sa kagandahan ay patuloy na umiiral simula pa noong nakaraang tatlong siglo, ito ay sumasanguni sa mga ideyal ng isang tao mula sa hugis ng katawan, balat, kulay, ilong, labi, buhok at iba pang panlabas na itsura. Mayroong mga naiulat na kaso ukol sa pagkitil ng sariling buhay sa mga kabataang Pilipinong mula sa buong mundo sapagkat ang mga krimen ay nangyari sadulot ng pagkawala ng pagtanggap mula sa lipunan kung saan ginawang basehan ang pamantayan sa kagandahan, lalong-lalo na sa pagsikat ng "social media" at ito ay maituturing na isa sa mga matitinding suliranin ng lipunan. Base sa mga pangyayari, ang mga Mananaliksik ay bumuo ng mga katanungan ukol sa pamantayan sa kagandahan bilang basehan ng sosyal na pagtanggap. Pinupunto nito na ang paghangad ng pagtanggap mula sa madla sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang itsura ay ang pagtanggal ng kadahilanan kung bakit namumukod-tangi ang isang indibidwal mula sa iba. "Phenomenological research" ang ginagamit na disenyo ng pag-aaral sapagkat ito ay pinaka-akmang paraaan upang mailarawan ang emosyon at damdamin sa karanasan ng isang indibidwal at kung paano sila tumugon sa isang pangyayari. Sa pagpili ng respondente, and mga Mananaliksik ay namili ng labing-apat na kababaihan ng "Senior High School" sa Holy Family Academy gamit ang "stratified random sampling". Isang "standardized questionnaire" mula sa Psychology. Net ang ginawang basehan ng mga Mananaliksik sa paggawa ng talatanungang ipinamahagi sa mga respondente. Ang mga kasagutan sa bawat tanong ay ipinapakita sa mga talahanayan na naglalaman ng frikwensi, bahagdan, at interpretasyon. Bilang pagtatapos, nakumpirma ng mga Manunulat ng pananaliksik na ang mga pamantayan sa kagandahan ay mahalagang salik sa pagtanggap ng lipunan, ngunit ang konseptong ito ay hindi umiiral sa konteksto ng Holy Family Academy. Bilang karagdagan, napagtanto rin ng mga Mananaliksik na ang mga mag-aaral ng nasabing institusyon ay may pagtanggap sa sarili at pantay-pantay na pagtrato sa kanilang kapwa sa lipunan.
Author(s)
Juguilon, Allena Therese G. | Bagang, Bettina Lian Y. | Dizon, Chana Lovely Joy P. | Magtulbo, Xyzrele Kenya F. | Mamangun, Gabrielle D. | Pineda, Cedrick John L.
Grade & Section
Grade 11 - St. Celestine
Track/Strand
HUMSS
Location
IMC-EXT
Date
April 3, 2019
Identifier
SRF J934 2019