Document
Metadata
Title
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Academic Bulimia
Abstract
Ang mga estratehiya sa pagkatuto ay mga magkakasunod-sunod na hakbang patungo sa pagkatuto. Nangangahulugan ito na ang mga estudyante ay nagsasagawa ng mga diskarte sa pag-aaral bilang mga hakbang upang mapabuti ang kanilang sariling pag-aaral. Gumagamit sila ng iba't ibang estratehiya upang maunawaan at masuri nila ang mga aralin. Naapektuhan ang mga estratehiyang pagkaturo nila ng mga pagganyak ng mga estudyante at ng nilalaman ng materyal na kanilang pinag-aaralan. Tinatalakay sa pag-aaral na ito kung paano nakikita ng mga estudyante ang edukasyon. Ang mga estratehiyang pagkatuto na ginagamit ng mga mag-aaral ay maaaring isa lamang sa mga kadahilanan na kinikilala sa Academic Bulimia, na siyang dahilan kung bakit kailangan nating malaman ang iba pang mga karanasan ng mga estudyante. Kaya ang pokus ng pag-aaral ay kung paano nakakaranas ng Academic Bulimia ang mga mag-aaral. Ginamit namin ang stratified random sampling sa pagpili ng aming mga kalahok sa semi-structured na pakikipanayam. Nakuha namin ang mga tugon ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga pag-uugali, pagganyak, at mga karanasan sa pagsusulit upang malaman kung nakararanas ba sila ng Academic Bulimia. Ang mga resulta ay nagpakita na ang mga pagganyak ng mgamag-aaral sa pag-aaral ay naiimpluwensyahan ng panloob at panlabas na mga kadahilanan. Sa labas, naiimpluwehsyahan sila ng mga ekspektasyon at presyur mula sa kanilang pamilya at sa lipunan. Sa panloob, ang kanilang mga layunin, personal na mga gawi, at ang tingin nilang lawak ng kanilang kakayahan ay nakakaapekto sa kanilang pagganyak. Ang sobrang impormasyon, makupad na paggalaw ng mga mag-aaral, mga estratehiya sa pagtuturo na ginagamit ng mga mag-aaral at guro, at ang pag-asa sa pang-akademikong tagumpay ay ang mga salik sa kanilang mga karanasan sa pagsusulit na nailalarawan sa Academic Bulimia, pati na rin ang pag-uugali at pagganyak ng mga estudyante sa pag-aaral na maaaring magamit ng mga mag-aaral, guro, administrador ng paaralan, at gobyerno bilang isang panuntunan para sa pananaliksik sa hinaharap.
Author(s)
De Rivera, Kian | Lagusima, Aleine | Salonga, Justine | Ferrer, Dainielle | Fong, Yoaisa | Ticse, Lexandra
Location
IMC -Ext.
Date
April 4, 2019
Identifier
SRF D278