Document
Metadata
Title
Pananaw ng Mga Mag-aaral ng Baitang 12 ng Holy Family Academy sa Gampaning Politikal ng LGBT sa Pilipinas
Abstract
Wika ni John Lewis(2016), "Hindi mahalaga kung ang tao ay 'lesbian, gay, bisexual o transgender' bawat tao ay may karapatan sa karangalan at paggalang". Sa kapanahunan ngayon, ang mga tao, lalo na ang kabataan ay nagiging bukas sa kanilang 'gender identity' habang nagsisikap silang hanapin ang kanilang pagkakakilanlan sa mundong ito. Isang halimbwa nito ay ang nakaraang halalan ng Student Council Officers ng mag-aaral sa Holy Family Academy kung saan ang karamihan sa mga kandidato ay bukas sa pagiging bahagi ng komunidad ng LGBT. Sa pamamagitan ng baryabol na ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang 'phenomenological qualitative study' na naglalayong tukuyin ang pag-unawa ng mga magaaral sa grade 12 ng Holy Family Academy, na nasa edad ng pagboto, patungo sa gampaning politikal ng LGBT sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga panayam at pamamahagi ng mga 'open-ended questionnaires' sa 14 na respondante mula sa mga mag-aaral sa baitang 12 sa Holy Family Academy, natuklasan na ang kasarian ay hindi nakakaapekto sa kanilang pananaw patungo sa pagboto sa isang politiko dahil ang kanilang mga katangian at mga layunin na maging karapat-dapat na pulitiko ang ginagamit nila bilang batayan. Ang mga natuklasan na ito ay nagpapakita na karamihan sa mga tao ay mayroong positibong pananaw sa LGBT at sa kilusan nito sa buong mundo. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay kaalaman patungkol sa isyung ito.
Author(s)
Torres, Julianne Nicole | Caelie, Shawn Andrei | Estrada, Jean Carla | Joe, Jamil Elaira | Quinto, Lejena Jerome | Limio, Xyruz Gabriel
Location
IMC -Ext.
Date
April 3, 2018
Identifier
SRF T693 2018