Document
Metadata
Title
Pagsusuri sa Pagganyak ng mga Atletang Mag-aaral sa kanilang Pang-akademiko at Pang-atletang Performans
Abstract
Ang mga atletang mag-aaral ay kumakaharap sa iba't ibang hamon o pagsubok taon-taon. Inaasahang gampanan o gawin ng mga atleta ang kanilang mga tungkulin sa ibinigay na panahon sa kanila. Marami silang responsibilidad na kailangn gawin sa loob ng 20 oras kada- linggo sa kanilang pag-eensayo at mga laro - nalapaloon din dito ang mga kailangan nilang gawin na pang-akademiko. Sa paaralan, inaasahan ang mga atletang mag-aaral na gampanan ng maayos ang kanilang mga "academic commitments". Sa Pilipinas, ang mga atletang mag-aaral ay naooligang matamp at mapanatili ang particular na "general weighted average" upang maging karapatdapat sa pakikilahok sa mga paligsahang may kaugnayan sa isports. Naihahalintulad sa patnubay ng Holy Family Academy ang nasabing alituntunin sa paraang amg mga atleta ay nangangailangang pumasa sa kanilang "scholastics" upang silay ay mabigyan ng papel sa mga paligsahan. Nagsisilbi tin ang pananaliksik na ito bilang isang gabay upang matulungan ang mga tao na maintindihan ang mga paghihirap na dinaranas ng mga atletang mag-aaral. Ito ay maaaringituring bilang isang gabay sa ibang atletang mag-aaral upang makakuha ng panibagong kaalaman at mga paraan upang makahabol sa kanilang mga hindi nakamit na gawain sa kanilang pag-aaral, sapagkat ang kanilang oras ay ginagamit sa mga paligsahan at pagsasanay. Para makamtan ang mas mabuting bersyon ng isang atletang mag-aaral, ang isang tao at nangangailangang maging ganyak upang maisakatuparan kung ano ang kailangang gawin at mapakita niya ang kanyang kapasidad upang makuha ang kanyang mga layunin. Sa ganitong paraan, ang pananaliksik na ito ay tumutugon upang malaman at suriin ang mga makatutulong na paraan sa isang atletang mag-aaral at pagganyak upang mabalanse ang kanilang mga tungkulin. Sisiyasatin din ng papel na ito ang mga kadahilanan kung saan maaapektuhan ang kanilang pagganyak sa pagtupad ng mga obligasyon na kanilang tinataglay nang dahil sa kanilang pagiging isang mag-aaral at atleta. "Phenomenology" ang disenyo na sinunod sa kasalukuyang pag-aaral at mga Mananaliksik ay nagsagwa ng sarili nilang talatanungan upang tipunin ang mga datos na kanilang kakailanganin. Ang mga respondante ng kasalukuyang pag-aaral ay mga atletang mag-aaral na nasa ika-labing isang baitang na isang Senior High School sa Holy Family Academy. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagkalap at pagsusuri sa mga nasabing datos, ang mga Mananaliksik ay kumuha ng mga sumusunod: 1.) Karamihan sa mga nasabing atletang mag-aaral at pinili ang kanilang mga mga mahal sa buhay bilang kanilang pangunahing pagganyak at; 2.) ang pinaka malaking epekto ng kanilang pagganyak at ang pagudyok sa mga atletang mag-aaral sa paggawa ng maayos sa kanilang dalawang pinakamalaking tungkulin
Author(s)
Galang, Pauline Maryrein | Bagtas, Zhiester John | Bituin, Alexa Gabrielle | Canlas, Sophia Isabelle | Dela Rama, Girbette Ann | Nacu, Joshua
Location
IMC -Ext.
Date
April 5, 2019
Identifier
SRF G146 2019