Document
Metadata
Title
Pagsusuri sa Epekto ng Pag-iimpluwensiya ng Magulang sa Kagalingan Akademiko ng Estudyante
Abstract
Sa panahon ngayon, napakaraming hadlang ang nararanasan ng estudyante sa pag-aaral na nagtutulak sa kanila upang hindi makapagpokus sa kanilang pag-aaral. Ang bawat estudyante ay may iba't ibang nakukuhang mga marka base sa kanilang pagganap. Ang parental pressure ay ang pag-iimpluwensiya ng mga magulang sa pag-uugali ng kanilang mga anak. Maari itong magdulot ng maganda pero sa kabila nito ay may masama rin itong maidudulot. Ayon kay Seginer (2006), masasabi na maganda ang maidudulot sa mga bata kung ang mga magulang ay aktibo sa pagtingin sa kanilang mga anak sa kanilang tahanan, kung saan sila ay nagbibigay ng motibasyon upang mag-aral ng mabuti. Nagiging itong masama kung ang mga magulang ay inaasahan na makakaya ng kanilang anak ang lahat ng gusto nilang mangyari. Kapag nag- umpisa na sa pag-aaral ang bata, palaging nasa tabi ng mga bata ang kanilang magulang upang suportahan sila. Ngunit habang lumalaki ang mga bata, marami sa mga magulang ang hindi namamalayan na inaasahan nila na ibigay ng anak nila ang higit pa sa kakayahan ng bata. Ang mga magulang na tulad nila ay iniisip na sila ay mas higit na nakatutulong sa bata. Kapag hindi naabot ng bata ang hinihingi ng kanilang mga magulang, isinusumbat ng mga magulang ang lahat ng paghihirap na dinaranas nila para lamang mapag-aral sila. Minsan ay sinisisi pa ng mga magulang ang kanilang anak dahil hindi raw nito binibigay ang lahat ng makakaya. Ayon naman kay Holt (1980), maari itong makadulot ng takot na mabigo sa bata dahil sila ay inaasahan ng kanilang mga magulang sa kagalingang akademiko.
Ayon kay Morin (2016), mayroong apat na istilo ang mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ang una ay ang, Authoritarian Parenting kung saan sila ay mayroong mga patakaran sa kanilang pamilya na inaasahang susundin ng kanilang mga anak. Hindi sinasabi ng mga magulang ang dahilan sa mga patakaran pero mayroon pa ring lugar para sa negosasyon. Ang ganitong istilo ng pagpapalaki sa mga bata ay kadalasang gumakamit ng kaparusahan kaysa kapalit.
Ang pangalawa ay ang Authoritative Parenting. Ito isang istilo na may isang kadahilanan na katulad ng Authoritarian Parenting. Ang dalawang ito ay parehas na may patakaran na sinusunod, ngunit ang malaking pinagka-iba ay sinasabi ng magulang kung bakit mayroong patakarang dapat sundin at sila'y naglalagay ng mga limitasyon. Ang mga magulang ay nagbibigay ng konsiderasyon sa pakiramdam ng kanilang anak. Ang istilong ito ay iba sapagkat sa halip na parusa, sila'y nagbibigay ng premyo tuwing sila'y mabuti na nagpapaganda ng pag- uugali ng bata. Sila rin ay nagbibigay ng pagkilala sa embes na matatalim sa salita. Sinasabi na ang istilong ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na magkaroon ng magandang pagganap and nagpapataas ng kanilang pagtitiwala habang tumatanda.
Ang pangatlo ay ang Permissive Parenting. Ang mga magulang na ito ay ang mga kaunting malupit at istrikto sa kanilang mga anak. Ang mga mapahintulot na magulang ay nagbibigay ng mas kaunting parusa at madalas pumapasok sa mga pagkakataon na nagkakaroon na ng seryosong problema. Sila'y madalas na nagiging kaibigan kaysa sa pagiging magulang. Ang mga batang may ganitong klaseng mga magulang ay madalas may posibilidad na mang-ahas sa mga patakaran at kapamahalaan.
Ang panghuli ay ang Uninvolved Parenting. Ang mga magulang na ito ay may posibilidad na maging pabaya at hindi ibinibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Sila'y may kakulangan sa kaalaman sa pagiging isang magulang at kaunti lamang ang kanilang sa kanilang anak tulad ng mga ginagawa, hilig, mga paborito at iba pa.
Author(s)
Cai, Deryll | Caturla, Fairyzen | Infante, Alexi | Perez, Bryan | Pontillas, Romina | Torres, Justin Dominic
Location
IMC-Ext
Date
March 17, 2017
Identifier
SRF C133 2017