Document
Metadata
Title
Mga Salik na Pinagmumulan ng "Peer Pressure" sa mga Mag-aaral ng "Senior High School" sa Holy Family Academy
Abstract
Sa pagtapak sa yugto ng pagkabinatilyo at pagkadalagita, ang mga kabataan ngayon ay kadalasang umaasa sa isang tao o sa grupo ng mga tao upang maramdamang sila ay kabilang. Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong malaman ang mga salik na pinagmumulan ng "peer pressure" sa mga mag-aaral ng Senior High School (SHS) sa Holy Family Academy. Amg mga Mananaliksik ay gumamit ng "phenomenological study" bilang disenyo ng pananaliksik. Nais malaman ng mga Mananaliksik ang iba't ibang salik ng "peer pressure" mula sa karanasan at papanaw ng mga estudyante na nagtutungo sa mga binatilyo at dalagita sa "peer pressure" gamit ang mga talatanungan. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang 14 na estudyante ng Holy Family Academy na nasa ika-11 baitang at ika-12 baitang. Itinatalaga ng mga Mananaliksik na: 1) pamumuwersa bilang pangunahing salik na pinagmumulan ng "peer pressure", 2) paggawa ng mabuti bilang pangunahing implikasyon ng mga salik na pinagmumulan ng "peer pressure", 3) ang "Self-Determination Theory" ay nagtutulak sa mga tao na magkaroon ng pareparehong pagugali sa kanilang paligid.
Author(s)
Arce, Jhasmine Gabrielle E. | Delfin, Joshua A. | Evangelista, Ella Franceska B. | Flores, Sydney Marie G. | Manalili, Jozel Ann A. | Romero, Ivana Cassandra Z. | Santillan, Alyanne Lyka R.
Location
IMC -Ext.
Date
April 1, 2019
Identifier
SRF A668 2019