Document
Metadata
Title
Isang Pananaliksik sa Impluwensiya ng Feminismo sa mga Alituntunin at Estratehiya sa Pagtuturo ng mga Guro sa Araling Panlipunan
Abstract
Hindi nakikita ang mga bagay-bagay kung ano sila, bagkus ayon sa kung sino tayo.Mula noong dekada 70, lumaganap ang ideolohiya ng feminismo at naihayag ito sa buong mundo ng mga feminista na naniniwala sa pag-iral ng patriyarka sa lipunan, kung kaya'y nilalayon ng kanilang kilusan na maitatag ang pantay na karapatan at mga interes para sa mga kababaihan. Ang kwalitatib na pananaliksik na ito ay nagkakatong siyasatin at posibilidad ng ideolohitang ito sa silid-aralan sapagkat patuloy na lumaganap sa lip[unan ang feminismo. Dahil ang propesyon ng pagtuturo ay natutustusan ng maraming kababaihan na nasa workforce, ang maimpluwensiyang papel nila sa mga estudyante ay naayon sa kanilang paniniwala at estilong pagtuturo; kaya isinaalang-alang ng aming pananaliksik na maaaring maimpluwensiyahan ng feminismo ang pamamaraan nila sa mga alituntunin at estratehiya sa pagtuturo. Ang pagkakaroon ng mga feminismong pananaw sa tagpuan ng edukasyon lalo na ng mga guro, ay tinukoy ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng pagsusuri at interpretaston ng mga sagot ng mga nakapanayam. Gamit ang harap-harapang pakikipanayam, lumabas mula sa mga resulta na ang feminismo ay kilala sa silid-aralan at ang nabanggit na ideolohiya ay isinama sa kanilang mga alituntunin at estratehiya sa pagtuturo, kadalasan sa mga alituntunin sa pagtuturo ng mga guro. Tinukoy mismo ang feminismo sa kanilang pagkaintindi ng pagkondena sa mga kababaihan at ang pang-aapi sa kanila ng lipunan, ngunit ang mgakalalakihan ay hindi masyadong binigyan-pansin kumpra sa mga kababaihan sa depenisyong ito. Kinilala ng mga nakapanayam ang kanilang responsiblidad sa pagtataguyod ng kaalaman na parehong nakakapagpabago at maimpluwensiya, kung kaya'y ito ang dahilan para sa kanilang layunin ng gender inclusion sa talakayan sa sailid-aralan. Nagdudulot anf feminismo ng pagiging sensitibo at pagkakaroon ng bukas na isip na sumasalamin sa kanilang mga alituntunin sa pagtuturo, sa pagiging maingat sa pagtugon sa mga pagkakaiba sa silid-aralan at sa epektibong paghatid sapaksa sa mga estudyante. Ang mga resulta ay nagpapakita ng katwiran upang higit pang maunawaan ang impluwensiya ng feminismo.
Author(s)
Canlas, Katrina | Gutierrez, Michael | Miranda, Hannah | Tayag, Rhea | Dayrit, Michaella | Garcia, Stacey | Yamzon, Noel
Location
IMC -Ext.
Date
April 1, 2019