Document
Metadata
Title
Epekto ng "Political Memes" sa Kamalayang Politikal ng mga Mag-aaral sa "Junior High School" ng Holy Family Academy
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang mga epekto ng "political memes" sa mga mag-aaral ng Junior High School. Ang mga "memes" ay hindi lamang limitado sa mga litrato at mga bidyo. Ang mga "social media platforms" ay sagana sa mga "memes" na naglalaman ng mga politikal na paksa. Ang 12 na mga respondente sa pag-aaral na ito ay nagmula sa mga mag-aaral ng Junior High School. Sila ay napili sa pamamagitan ng "random sampling" o mas partikular ay "fishbowl method". Ang mga kalahok ay nabigyan ng talatanungan upang sagutin nang may gabay ng mga Mananaliksik. Pagkatapos makakolekta ng mga datos, napagtanto ng mga Mananaliksik na mayroong nakukuhang kaalaman ang mga ito sa pamamagitan ng mga "political memes". Hindi lamang iyon ang napagtanto ng mg mga Mananaliksik, ito pa ang mga sumusunod: kalahati ng mga mag-aaral ay nagtitiwala sa "social media" bilang pinagkukunan ng balita at impormasyon at ginagamit ng mga ito ang "social media" upang malaman kung ang isang balita ay hindi makatotohanan. Ang mga makikinabang sa pag-aarala na ito ay ang mga mag-aaral, mamamahay, gumagamit ng "social media", gobyerno at susunod na mananaliksik.
Author(s)
Tayag, Krizhaunna Mae | Marcelo, Florisa Aubrey S. | Plateros, Tyzcia Andrai | Quives, Felize Angela Q. | Sanchez, Charles Raphael Galang | Yabut, Joshua Aguila
Location
IMC -Ext.
Date
April 5, 2019
Identifier
SRF T236 2019