Document
Metadata
Title
Epekto ng Pagkakaroon ng Magulang na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Akademiko ng Estudyante
Abstract
Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng mabuting asal, katangian at kaugalian na dapat maipagmalaki. Ilan sa mga ito ay ang pagtitiwala sa Panginoon, pagiging magalang, pakikipagtulungan, mabuting pagtanggap at pakikitungo sa mga panauhin at higit sa lahat ay ang pagsasama-sama ng pamilya.
Napakahalaga ng salitang pamilya sa mga mamamayan ng Pilipinas. Para sa kanila ito ay mahalagang pundasyon sa buhay. Ito rin ang nagbubuklod sa pagsasama ng isang buong mag- anak. Kahit anong sakuna o problema man ang dumating, pamilya pa rin ang pinaka-iingatan ng bawat isa na huwag mawala o magkahiwa-hiwalay. Sa pagdaan ng panahon, marami ang nababago sa bawat pamilya katugon sa mga suliraning nararanasan ng bayan. Ang pagbaba ng ekonomiya sa bansa ay isa lamang sa mga ito. Ang mga bilihin at ang mga pangunahing pangangailangan ay mahirap na matugunan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo. Kasabay rito ang paghina ng kita ng mga tao at kawalan ng trabaho sa mamamayan.
Author(s)
Yabut, Pervim | Dizon, Patricia | Galang, Allaine | Itaas, Arselaida Anne | Lagman, Mary Nhouf | Laxa, Joe Arnie
Location
IMC-EXT
Date
March 18, 2017
Identifier
SRF Y112017