Document
Metadata
Title
Ang Politikal na Pagkakakilala ng mga Milenyal at Henerasyong Z sa Pilipinas
Abstract
Bawat henerasyon, maaring magkaroon ng pagbabago sa politikal na pagkakakilanlan sa isang bansa dahil sa iba't ibang karanasang panlipunan na naranasan nila. Ang layunin ng aming pag-aaral ay ang tuklasin ang politikal na pagkakakilanlan ng mga Milenyal at Gen Z-ers sa Pilipinas. Para sa pagkuha namin ng datos, pumili kami ng 12 na kalahok mula sa Holy Family Academy at gumamit ng stratified random sampling. Nagsagawa ng panayam sa bawat kalahok tungkol sa kanilang pananaw sa mga isyung panlipunan na hinaharap ng Pilipinas. Pagkatapos suriin ang datos , natuklasan namin ang epekto ng sosyal, heograpikal at kultural na kondisyon sa Pilipinas at ang bunga nito sa politikal na pagkakakilanlan ng mga Milenyal at Henerasyong Z sa Pilipinas. Kawangis sa mga nakalap na resulta sa mga bansa sa kanluran, ang mga Milenyal at Henerasyong Z na Pilipino ay may politikal na ideolohiyang left-wing. Ngunit ang nananaig na relihiyong Katoliko Romano sa Pilipinas ay mas malaking epekto sa kanilang paniniwalang pampulitika. Ang dalawang henerasyon ay tutol sa aborsyon, at ang pagkakaiba lamang sa kanilang pananaw pampolitika ay sa usapin ng pag-iisang dibdib ng parehong sekso, kung saan pinapaboran ito ng mga Henerasyong Z. Bilang unang pag-aaral tungkol sa politikal na pagkakakilanlan ng mga henerasyon na isinagawa sa Pilipinas, maari itong maging basehan para sa mga susunod na gagawing pag-aaral sa Pilipinas at sa ibang lokal.
Author(s)
Ayson, Andre Angelo | Salonga, Don Nicolai | Austria, Danielle Jullienne | Bondoc, Alyssa Elaine | Escoto, Carmela Francesca | Labrador, Nicole Kiyomi | Riveral, Alyzza Francheska Bernice
Location
IMC -Ext.
Date
April 1, 2019