Document
Metadata
Title
Ang mga Pananaw ng mga "Senior High School" na Mag-aaral sa Holy Family Academy Patungkol sa Iba't ibang Epekto ng ""Hugot" na Pahayag sa Kanilang Pakikipag-relasyon
Abstract
Ang hugot ay naging bahagi na sa pag-uusap. Marami ang tumangkilik sa mga pahayag na ito na nagawa sa pagitan ng isang pakiramdam, isang aksidente, o isang bagay. Nakatutulong ito upang mas mapadalas ang pagsabi natin sa mga damdamin. Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong kilalanin ang mga epekto ng mga pahayag ng hugot sa pang-unawa ng mga mag-aaral ng Senior High sa Holy Family Academy. Ang kakalabasan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing eye-opener sa mga mag-aaral na gumagamit ng social media na may laman na hugot. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng phenomenology design. Sa kasalukuyang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagnanais kilalanin ang pang-unawa ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Holy Family Academy tungkol sa hugot sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng mga talatanungan upang malaman ang kanilang mga saloobin, damdamin epekto at lalo na ang kanilang mga pananaw. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay ang mga Senior High Students sa ilalim ng magagamit na academic track sa HUMMS, ABS, at STEM kasama ang lahat ng estado ng relasyon tulad ng in a relationship at single. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng coding upang matukoy ang mga epekto ng hugot sa mga mag-aaral. Ang pinaka karaniwang sagot ay nakakatulong ang hugot sa kanila upang maipahayag ang kanilang mga damdamin. Batay sa natipon na datos, napagpasyahan ng mga mananaliksik na ang hugot ay makakatulong na gawing mas madali ang pag-uusapan at sa paggamit nito, maaaring mas makaugnay ng maayos ang mga mag-aaral sa ibang tao maari rin itong makatulong upang maging mas kawili-wili ang paguusap.
Author(s)
Asis, Katleen C. | Enriquez, Kian | Gutierrez, Justin | Jarabelo, Vincence | Ramos, Sophia | Spycher, Janica
Location
IMC -Ext.
Date
March 1, 2019