Document
Metadata
Title
Ang Kaugnayan ng Personalidad sa Estilo ng mga Guro sa pagtuturo sa mga ika-11 na baitang ng Holy Family Academy.
Abstract
Edukasyon ito ang sistematikong proseso kung saan ang tao ay kinakailangang makipagtulungan, guro sa estudyante, estudyante sa guro. Ngunit ang tao ay may kani-kaniyang kagustuhan pagdating sa estilo ng pagtuturo na nakadepende sa kanilang mga personalidad, extroversion man, introversion, ugali, pakikitungo o pakikisalimuha. Ito ay halimbawa ng mga katagang marahil ay lilitaw ng maraming beses sa pananaliksik na ito. Ang paksa ay tungkol sa kaugnayan ng personalidad sa estilo ng guro sa pagtuturo sa mga ika-11 na baitang ng Holy Family Academy. Ang katangian ng extroversion-introversion ay sentral na dimensyon ng mga teorya sa pantaong personalidad o tinatawag sa ingles bilang "human personality." Ang personalidad ng mga tao ay tunay nga naman na masikot at masalimuot. Hindi ito "one dimensional." Pero hindi maikakaila na laging naroroon sa mga personality tests ang dimensyon ng extroversion-introversion, ang The Big Five Inventory at ang Myers-Briggs Personality test ay halimbawa ng mga ito. Sa panahong ito isa sa estilo ng pagtuturo ay ang pangkatang gawain at mapapansin na tila nagdudulot ito ng problema sa mga introvert dahil mas nakakagawa sila nang masinsinang gawain sa kanilang pag-iisa may mga introvert na estudyante na hindi makatulong sa grupo dahil mas gugustuhin nilang mapag-isa upang hindi ito mapahiya kapag nagmungkahi ng mga ideya.
Author(s)
Duya, Aldrin | Fajardo, Jardina | Keys, KC | Manalastas, Bea | Neri, Stephen | Voo, Jasper
Location
IMC-EXT
Date
March 18, 2017
Identifier
SRE D988 2017