Document
Metadata
Title
Ang Epekto ng Pakikisalamuha sa Kolaboratibong Pangkasanayan ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Loob ng Silid-aralan: Ang Pananaw ng Mag-aaral
Abstract
Ang pagsusuri sa mga mag-aaral sa kanilang "performance" sa paaralan ay maikokonsiderang nakapapagod na trabaho para sa mga guro. Sa paglipas ng panahon, ang mga guro at opisyal ng gobyerno ay patuloy na pinapahalagahan ang pakikisalamuha dahil sa iba't ibang kapakinabangang salik na ibinibigay nito para sa kinabukasan ng nakababatang henerasyon. Ayon sa mga guro, nakikita nilang susi sa pagpabubuti ng mag-aaral ang pakikisalamuha. Alinsunod dito, ang mga mananaliksik ay kinuha ito bilang isang oprtunidad sa pagtulkoy sa kung paano nadarama ng isang mag-aaral ang kanyang kapwa magaaral sa kanilang mga sarili sa pagiging "social competent".
Ang pag-aaral na ito ay may layuning tangkilikin ang pananaw ng isang mag-aaral sa knyang pakikisalamuha at kung paano ito nakaaapekto sa gawain na pangkolaboratibo na ibinibigay ng mgaa guro. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng "phenomenology" at gumamit ng talatanungan na naglalaman ng mga tanong na tumutukoy sa paraan ng pakikipagasalamuha ng mga respondente. Ang mga respondente ay ang mga magaaral sa Senior High School sa Holy Family Academy. Ayon sa resulta ng pagkalap ng datos, napagtanto ng mga mananaliksik na halos ng mga mag-aaral ay mas gustong magtrabaho ng indibidwal kasya sa nakagrupo. Hindi dahil sa kakulangan nila sa pakikisalamuha, kundi sa pag-aalala nila hinggil sa kasanayan sa gawain ng kanilang mga kasama. Bagama't ang resulta din ay nagpakita na ang pakikisalamuha ay maraming positibong epekto sa kolaboratibong pagsasanay ng mga mag-aaral sa Senior High School.
Author(s)
Galang, Madison Mai | Canlapan, Mary Shane | Sotiangco, Noel Noremiel | Ariola, Kerby | Pangilinan, Daniel | Tiotuico, Neve
Location
IMC -Ext.
Date
April 4, 2019