Document
Metadata
Title
Komparatibong Pag-aaral sa Moralidad ng mga Mag-aaral sa "Junior High School" na Atleta at Di-atleta ng Holy Family Acade
Abstract
Sa ngayon, ang pagpili sa moral na pagpipilian ay maaaring nakalilito at mahirap sa napakaraming tukso at impluwensya na nakukuha sa lahat ng direksyon. Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa moralidad sa pagitan ng mga mag-aaral na atleta di-atleta ng junior high. Naglalayon itong alamin at paghambingin ang kanilang moral na pangangatwiran at matukoy kung sino ang may mas magandang moralidad. Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga piling "Junior High School" na estudyanteng atleta at di-atleta ng Holy Family Academy. Ginamit ng mga Mananaliksik ang "Phenomenology" upang magbigay ng mas malalim na pang-unawa sa mga karanasan ng mga respondente at ang kanilang pananaw. Sa tulong ng disenyo ng pananaliksik na ito, naunawaan ng mga mananaliksik ang pagkakaiba sa pagitan ng moralidad ng mga atleta at di-atleta. Ang natukoy ng mga mananaliksik na pinaka-kadahilanan na nakaaapekto sa paggawa ng desisyon ng mga atleta at di-atleta ay pamilya. Mas maraming tumpak na sa got ang di atleta kaysa sa mga atleta sa ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, kaya nasabing mas mabuti ang moralidad ng mga di-atleta. Gayunman, maraming iniisip ang mga atleta tulad ng kanilang pag-eensayo at pag-aaral kaya mas pabigla-bigla silang gumawa ng mga desisyon. Ang mga mananaliksik ay naabot ang konklusyon kung saan ang pamilya ang pinaka-karaniwangkadahilanan, ang mga di-atleta at may mas magandang moralidad, at ang mga atleta ay mas mapusok. Sa nasabing konklusyon, maliwanag pa rin na ang komunidad ay dapat magsikap para sa mas magandang edukasyon at pakinabangan ang mga oportunidad upang gabayan ang kabataann ngayon.
Author(s)
Urbano, Ralph Robert | Dizon, Airam Miguel | Jimenez, Azriel | Lacap, Reniel | Lurzano, Robin | Marcelo, Hans
Location
IMC -Ext.
Date
April 4, 2019
Identifier
SRF UF2 2019