Document
Metadata
Title
Salik sa Palagiang Pagkahuli ng mga Mag-aaral sa "Senior High School" ng Holy Family Academy
Abstract
Halos lahat ng paaralan sa Pilipinas ay nagkakaroon ng problema sa mga mag-aaral na laging nahuhuli sa klase. Ang "attendance" ay importante sa kadahilanang ito ang nagpapakita sa presensya ng isang mag-aaral sa klase at ang disiplina na pag pasok ng maaga sa paaralan ang "attendance" ay tsinetsek bago magsimula ang kase araw-araw. Ang pangunahing rason ng mga mag-aaral sa kanilang palagiang pagkahuli sa klase ay ang distansya o layo ng kanilang bahay hanggang sa paaralan na ang ibig sabihin , walang sasakyang pangtransportasyon o kung minsan naman, puno na ang mga ito. Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa mga mag-aaral mula sa "Senior High School" ng Holy Family Academy "Purposive Sampling" ang ginamit na disenyo ng pananaliksik sapagkat hinahanap ng mga mananaliksik ang isang pangkaraniwang katangian ng mga kalahok, ang pagiging huli nila sa klase. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay limang gr. 11 at limang gr.12 na laging huli sa klase. Talatanungan naman ang ginamit ng mga Mananaliksik upang makakalap sila ng datos. Batay sa nakuhang datos, masasabi ng mga Mananaliksik na hindi naapektuhan ang mga grado ng mga mag-aaral na nahuhuli sa kanilang klase at kakulangan sa trasnportasyon ang pangunahing dahilan kung bakit nahuhuli sa klase ang mga mag-aaral.
Author(s)
Endaya, Aaron Jaevrine | Lampano, Prince Vlademir Raven | Mercado, Ian Patrick | Pineda, Kryster | Tinio, Louie Arnel | Tolentino, Kym Frytz
Location
IMC -Ext.
Date
April 5, 2019
Identifier
SRF E56 2019