Document
Metadata
Title
Pangunahing Asignaturang Nagtutulak sa mga Mag-aaral ng Senior High School sa Holy Family Academy na Maglabas ng Sama ng Loob sa "Social Media": Isang Panunuri
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga pangunahing asignatura ng "Senior High School students" ng Holy Family Academy na nagtutulak sa mga mag-aaral na naglabas ng kanilang sama ng loob sa "social media". Makikita rin sa pananaliksik na ito ang mga datos na magpapamulat sa mga taong apektado. Gamit ang labing apat(14) na mag-aaral sa baitang 11 at 12 malalaman ang mga iba't ibang perspektibo ng bawat mag-aaral patungkol sa pagra-rant sa "social media". Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik upang ito at maging matagumpay ay indibidwal na pang-interview at talatanungan upang makakuha ng mas tiyak na kasagutan ang mga Mananaliksik. Nakamit ng mga Mananaliksik ang kanilang mga datos sa pamamagitan ng pagkuha ng akmang kalahok mula sa bawat seksyon kung saan sila ay nabigyan ng talatanungan. Lumabas sa pag-aaral na ito na halos lahat ng mga respondante ay nagsasabing sila ay naglalabas ng sama ng loob o "stress" sa "social media". Sa perspektibo ng mga Mananaliksik, masasabing ang pagra-rant ay nagiging epektibo kapag ito ay mayroon taong nakikinig at nabibigyan ng solusyon habang ang pagra-rant sa "social media" ay nakakapaglabas lamang ng saloobin ngunit hndi ito nakapagbibigyan ng solusyon.
Author(s)
Albano, Renrich Patrick Allan SJ. | Del Mundo, Kian Randel G. | Laxamana, Charles V. | David, Danella Corin, O. | Lingad, Alyssa Andree Q. | Ranola, Thea Ann Louis P.
Location
IMC -Ext.
Date
March 26, 2019