Document
Metadata
Title
Isang Kwalitatibong Pananaliksik ukol sa Kamalayan ng mga mag-aaral sa "Senior High School" ng Holy Family Academy patungkol sa "Mental Health"
Abstract
Ang "Mental health" ang isa sa pinakapinag-uusapang paksa sa panahong ito, Ayon sa U.S. Department og Health and Human Services(2017), kasama ng "Mental health" ang emosyonal, sikolohikal, at sosyal na kagalingan ng isang tao. Maraming maling kuru-kuro at "stigma" na hindi ganoong naiintindihan ng mga mag-aaral patungkol sa "Mental health". Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kamalayan ng mga mag-aaral patungkol sa "Mental health", malaman ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pagkakaiba ng "Mental health" sa "Mental Issue", at malaman kung alam ba ng mga mag-aaral ang kahalagaan ng pagiging mulat sa "Mental health" sa kanilang buhay. Ang mga Mananaliksik ay gumamit ng "phenomenology" na pananaliksik bilang disenyo ng kanilang pag-aaral at gumawa ng mga Mananaliksik sakanilang sariling talatanungan. Ang mga respondente ay mga mag-aaral sa "Senior High School" ng "Holy Family Academy". Pinapatunayan ng pananaliksik na ang karamihan ng mga mag-aaral ay alam ang depinisyon ng "Mental health", at karamihan ng mga mag-aaral ay alam na may pagkakaiba ang "Mental Health" sa "Mental Issues". Ang pag-agap sa "Mental Issue" ay ang pinakalaganap na kahalagaan ng pagiging mulat sa "Mental health" ng mga mag-aaral.
Author(s)
Alvarez, Rj | Calvez, David Julian | Canlas, Sean Joshua | Manguera, Mikko Luigee | Henson, Imma Alexandria | Tolentino, Alexa Chloe
Location
IMC -Ext.
Date
April 4, 2019