Document
Metadata
Title
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Epekto ng "Self-Esteem" sa "Academic Performance"
Abstract
Ang pagtitiwala sa sarili ay gumaganap bilang isang importanteng papel sa sarili. Ito ay maaaring makapagimpluwensiya sa buhay ng tao sa hindi mabilang na paraan, mula sa akademiko at propesyonal na pagtatagumpay hanggang sa mga relasyon sa iba't ibang tao at maging sa kasalukuyan pangkaisipan. Mayroong pag-aaral na nagsasaad na mayroong kaugnayan ang pagpapahalaga sa sarili at ang "Academic Performance" ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral na may mataas na "Academic Achievement" ay nakararanas ng mataas na "Self-Esteem". Sa Holy Family Academy, nagkaroon ng suliranin; kung ang "Self-Esteem" nga ba ay nakaaapekto sa "Academic Performance" ng isang mag-aaral sa "Senior High School". Kaya naman ang mga Mananaliksik ay nagsagawa nitong pananaliksik upang mabigyang solusyon ang problemang kinakaharap. Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong suriin ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa "Senior High School" sa epekto ng "Self-Esteem" sa "Academic Performance", at upang matukoy kung ang mga pananaw ng mga mag-aaral ay may potensyal na epekto sa kanilang pagtitiwala sa sarili. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng "Phenomenology" bilang isang disenyo para sa pag-aaral. Ang talatanungan ay ginawa at nilikha ng mga Mananaliksik. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay labing-limang mag-aaral na nagmula sa departamento ng "Senior High School" ng Holy Family Academy. Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay nagpapatunay na ang tiwala sa sarili ay mayroong sa "Academic Performace" ng mga mag-aaral na kung saan natukoy ito sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw.
Author(s)
Bayan, Luigi | Cadayona, ARnold Jay | Dizon, Jill Kyla | Fontane, Shaynna Marie | Foronda, Gwyneth Andrea | Llanes, Miarla Kerubin
Location
IMC -Ext.
Date
April 5, 2019
Identifier
SRF C121 2019