Document
Metadata
Title
Ang Deskriptibong Pag-aaral sa Kaibahan ng Lebel ng "Stress" ng mga "Junior High School" at "Senior High School" ng mga Mag-aaral sa Holy Family Academy
Abstract
Ang "stress" ay isang pakiramdam ng emosyonal o pisikal na tensyon na nararanasan ng mga indibidwal sa tuwing sila ay nahaharap sa isang pagsubok.Ang sabi ni Alvord(n.d), "Ang kakaunti o sakto lamang na "stress" ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral sa sekondarya sa maraming paraan. Ito ay nag-uudyok sa kanilang mag-aral at mas pagbutihin pa. Nakatutulong ito sakanilang gawin ang anumang gawain, ngunit pagka sumobra ang "stress", marami itong epekto sa katawan at pag-iisip. Sa pagtutuon ng pansin sa pang-akademikong "stress", nais maunawaan ng mga Mananaliksik ang pang-akademikong disiplina at ang sitwasyon ng mga mag-aaral sa Holy Family Academy. Ang mga "Junior High School" na mag-aaral sa institusyon ng pribadong paaralan ay nakararanas ng mahirap na mga gawain sa klase at sa ekstrakurikular na mga aktibidad na idinadagdag ng mga guro sa mga gagawin ng mga mag-aaral. Sa kabilang dako naman, ang mga "Senior High School" na mga mag-aaral ay mayroong mga partikular na asignatura batay sa kanilang "strand" na sinasamahan pa ng mga pananaliksik na kinakailangang gawin ng bawat isa. Ang mga nabanggit ay mga elemento na nakapag-iimpluwensiya sa lebel ng "stress" ng mga mag-aaral sa kadahilanang hindi nila kaya gawin o pagsabay-sabayin ang lahat ng mga gawain na ibinibigay sa kanila. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang kaibahan ng lebel ng "stress" sa pagitan ng "Junior High School" at "Senior High School" na mga mag-aaral. Ang partikular na gagawin ng mga Mananalik ay tukuyin ang lebel ng "stress", mga salik nanakaaapekto sa "stress", at mga stratehiyang pang angkop ng mga mag-aaral. Kahit sino ay maaaring maging respondente sa pag-aaral na ito sa kadahilanang lahat ay maaaring makaranas ng "stress". Ang mga Mananaliksik ay gumamit ng penomenolohiyang pagsusuri bilang disenyo ng pananaliksik. Ang penomeno na nais bigyang malalim na pang-unawa ng mga Mananaliksik ay "stress". Sa pag-aaral na ito, nakatuon ang pansin ng mga Mananaliksik sa reaksyon o karanasan ng mga mag-aaral ng "Junior High School" at "Senior High School" sa pang-akademikong "stress" na nararamdaman. Sa pamamagitan ng talatanungan, napagtanto ng mga Mananaliksik na mas marami sa mga "Senior High School" na mga mag-aaral ang nakaranas ng pangmatagalang "stress" na nagpapahiwatig na marami sa kanila ang nakararamdam ng "episodic acute stress" kaysa sa mga mag-aaral ng "Junior High School". Natuklasan rin ng mga Mananaliksik na ang pangunahing stratehiyang pang-angkop ng mga mag-aaral ay ang pakikinig ng musika. Bilang resulta ng pananaliksik, ang lebel ng "stress" ng mga "Senior High Sshool" na mga mag-aaral ay mas mataas kumpara sa lebel ng "stress" ng mgamag-aaral ng "Junior High School" sa Holy Family Academy.
Author(s)
Gerente, Florence D. | Arceo, Kersty Jea A. | Bondoc, Ariele Ferisse M. | Cocjin, Jillian Alexandria M. | Timbol, Gabrielle Andrea C.
Date
March 20, 2019
Identifier
SRF G367 2019