Document
Metadata
Title
Implikasyon ng paglelebel ng "Best" at "Regular" na Seksyon sa mga Mag-aaral sa Holy Family Academy
Abstract
Ang paglelebel ay tumutukoy sa proceso ng paglalarawan sa tao o grupo. Ang mga lebel na binibigay ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral ay nakaaapekto sa paghubog ng kanilang pagkakakilanlan; kung paano nila nakikita at nailalarawan ang kanilang sarili at kung paano nila pakisalamuhan ang ibang tao. Ang resulta ay nakaapekto sa kanilang ugali sa paaralan(Haralambos & Holborn, 2013). Mula sa elementarya hanggang sa sekondarya, lahat ng mag-aaral ay may-roong kanya-kanyang seksyon. Sa bawat seksyon, may katumbas na sariling lebel. Sa Holy Family Academy Junior High School Department, naobserbahan na araw-araw, ang mga mag-aaral ay nakikitungo sa mga ganitong uri ng lebel. Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong tukuyin kung ang paglalagay ng lebel sa pagsesekyon ay may anumang epekto sa pananaw ng mga mag-aaral, paguugali sa paaralan at ang paraan ng kanilang pang-unawa sa kanilang mga akademya. Ang pag-aaral na ito ay sinundan ang "Phenomenology" at isang talatanungan na ginawa ng mga Mananaliksik. Ang mga respondante ay mula sa baitang 10 ng Holy Family Academy na naiuri ayon sa mga seksiyon na "Best" at "Regular". Bilang resulta ng pagtitipon at pag-aaral ngdatos, ipinakita ng pag-aaral na ito na may mga hindi pagkakapantaypantay sa kung paano itinatrato ang mga mag-aaral mula sa parehong mga seksyon, at ang mga mag-aaralna kumikilos na kagaya ng mga lebel na ibinigay sa kanila ng lipunan.
Author(s)
Timpug, Justine Mark | Gueco, Sophia | Lacsamana, Ezekiela | Nituda, Jeremy Mallari | Pangilinan, Glenine | Santos, Casey | Villanueva, Hannah
Location
IMC -Ext.
Date
April 5, 2019
Identifier
SRF T586 2019