Document
Metadata
Title
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Epekto ng Alkoholismo at paninigarily sa Relasyong Sosyal
Abstract
Ang ilan ay madalas na umiinom ng alak at naninigarily para sa saglit na pagunawa at inaakala'y mas ddali at sasaya ang buhay kapag isinagawa ang mga ganitong klaseng bisyo. Ang mga mananaliksik ay nagnanais na mahanap ang pang-unawa ng mga estudyante sa epekto ng alak at paninigarilyo sa panlipunang relasyon at magtaas ng kamalayan tungkol sa mga epekto ng mga bisyo sa relasyong sosyal. Sa henerasyon na ito, ang mga mag-aaral ay nagiging simbulo ng pamimilit sa barkada na uminom at manigarilyo at dahil rito, ang ilan sa kanila ay nagiging gumon at nasisira ang buhay nila. Sa Holy Family Academy, may mga ilang estudyanteng umiinom at naninigarilyo. Sa pananaliksik na ito, malalaman nila ang iba't-ibang epekto ng mga bisyo sa kanilang buhat at kung papaano makakahanap ng mga paraan upang maiwasan ang mga ito. Ginagamit ng mga mananaliksik ang "Phenomenology" bilang disenyo para sa pagaaral na ito. Ito ay makakatulong sa mga kalahok na sagutin ang mga tanong na ito habang sila ay may kaugnayan sa mga karanasan sa buhay ng isang tao. Kinilala ng mga mananaliksik ang mga kalahok sa pamamagitan ng "random sampling". Bawat kalahok ay sasagot sa isang talatanungan hinggil sa paksa. Gagabayan ng mga mananaliksik ang mga kalahok upang masasagot nila ang mga talatanungan na ito nang madali. Pinatunayan ng resulta ng pananaliksik na ito na mayroong tatlong pangunahing baryabol na naaapektuhan ng alak at paninigarilyo sa soyal na relasyon; ang mga "Pagiging palakaibigan", "komunikasyon" at "addiction".
Author(s)
Alip, Jin | De Guzman, John Peter | Milan, Keith | Tolentino, Jainos | TuaƱo, Yannick | Serrano, Cleinelle
Location
IMC -Ext.
Date
March 27, 2019
Identifier
SRF A412 2018