Document
Metadata
Title
Ang Pananaw ng mga Mag-aaral sa Kabisaan ng "Classroom Management" ng mga Guro
Abstract
Ang "Classroom Management" ay tumutukoy sa mga iba't ibang kasanayan at estratehiya na ginagamit ng mga guro upang mapanatiling payapa, maayos, nakikinig, nagtatrabaho, at produktibo sa kanilang pag-aaral tuwing nasa silid-aralan ang mga mag-aaral(Great Schools Partnership, 2014). Sa Holy Family Academy, ang mga estratehiya ay ginagamit ng mga guro ay hindi ganoon kabisa upang panatilihin na maayos ang klase. Isa ito sa mga problema ng mga paaralan. Ang pananaliksik na ito ay nais malaman ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa kabisaan ng "classroom management" ng kanilang mga guro, ang mga kasalukuyang ginagamit na estratehiya upang mapanatili ang kaayusan sa klase at kung ano ang pinakamabisang estratehiya sa pagpapanatili ng "classroom management". Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng Holy Family Academy. Kinolekta ng mga Mananaliksik ang mga impormasyon na kailangan upang malaman ang mga pinakamabisang estratehiya sa pagpapanatili ng "classroom management". Sa pananaliksik na ito, sinabi na ang pagiging strikto ng mga guro ay ang pinakamabisang paraan upang maging maayos ang klase.
Author(s)
Santos, Kurt | David, Aloysius | David, Arbel | Tolentino, Angelie | Villanueva, Zirach | Yabut, Larenz
Location
IMC -Ext.
Date
March 28, 2019
Identifier
SRF S237 2019