Document
Metadata
Title
Ang mga Dahilan sa Paggamit ng Kolorete
Abstract
Sa pagkalat ng sensasyong gumamit ng kolorete sa mga panahon ngayon, ang pananaliksik na ito ay naglalayon na alamin ang maaaring maging motibasyon ng mga tao upang gumamit ng kolorete. Sa panahon ngayon, gumagamit na ng kolorete ang mga taokahit saan man sila magpunta, kahit sa mga lugar na hindi naman kinakailangan ang paggamit nito. Ang paggamit nito ay maaaring makaapekto sa isang tao, panlabas man o panloob. Kaya niyang baguhin ang hitsura ng isang tao sa kung papaano siya nakikita ng iba, may kakayahan din itong palakasin ang kanilang kumpiyansa sa sarili dahil sa ito ay may kakayahang itago ang kanilang mga marka sakanilang mukha at nagiging dahilan upang hindi sila gaanong mabahala sa kanilang hitsura. At ang mga kabataab ngayun ay nasa punto na ng kanilang buhay na kung saan mas nagkakamalay na sila kung paano nila iprisinta ang mga sarili nila sa ibang tao. Ang pananaliksik ay nagsisiyasat at nakatutok ito sa iba pang edad, ang mga kabataang nasa mataas na paaralan. Nakatutuok ito sa kung paano nila gamitin at tratuhin ang kolorete. Ang paggamit ng statefied random at snowball sampling technique nakatulong sa pag-tukoy sa mga pinakanaaayon na mga tao para sa aming pananaliksik at mas kakaunti ang oras na nakokonsumo nito. Dahil dito, aming napagtanto na ang mga kabataan ay gumagamit ng kolorete katulad ng paggamit dito ng mga nakatatanda at ng mga propesyunal. Upang mabigyan diin, ang kolorete ay intinuturing na parehong kailangan at gusto ng kabataan. At amin ding naintindihan na ang personal na insekyuridad, impluwensiya ng mga kaibigan, at pansariling pangangailangan ng mga tao ang nagtulak sakanila upang gumamit ng kolorete. Ang kalidad, pormulasyon, at pagkakabalot ng isang produkto ay isa sa mga aspetong naguudyok sa mga tao upang bumii ng mga pampaganda.
Author(s)
Bagang, Reggie | Lopez, Joshua | Torres, Bernard Merwin | Cinco, Moira Isabelle | Recio, Camille Edralin
Location
IMC -Ext.
Date
April 2, 2019